Together, Together.



https://dribbble.com/shots/3811238-Get-Cozy-Together

Together, together:
"Ayan kasi, together together... We feel weird na tuloy."


Favorite part namin noon sa kabataan news network KNN ang mga seminars and workshops.
We will do all sort of activities after each day, yung gabing bonding moment, madalas pasimuno ang KNN Baguio, we will all be in one room and have some party.

Kadalasan, kinabukasan, puyat lahat at inaantok sa workshop proper.

After ng Seminar at uuwiian na, iiyak ng phone sa mga group messages sa txt. (imagine kailangan mong replyan lahat ng number sa "list" na nasa phone)  Separation anxiety to the max.

Ngayon, parang ganun din sa amin ng SO ko, kami na siguro ang totem holder ng LDR sa barkada. 5 years and we are still ok with it. Siguro kasi comfortable na kaming magkalayo.



Pero nababasag parin yun comfort zone namin pag magkasama na kami. Neto lang, long weekend.
Naglakas loob syang bumayahe on her own, ako naman wapakels, para sige lang byahe ka, di ako makaka-akyat sa hometown kasi I have my won bizzzz to do here in the Metro. (suplado is the next gwapo)

We spent 4 days together, sinamahan nya ako kay mama, which I really appreciate. Sya palang siguro ang pumunta sa puntod ng mama ko, para sa akin kasi it a valuable "Me" time. Madalas ako lang mag-isa ang dumadalaw kay mama, ayoko ng may kasama kasi parang ano nahahati atensyon ko pag may kasama. Pero this time, kasama sya at si kuya.  Medyo masaya din, parang meet the parents pero well meet the soul nalang may pay respects.

After nun, tambay sa bahay, binge watching to the max, pero I'm on an allergy medication kaya knockdown ako agad. Ok din ang panahon malamig at masarap tumambay sa bahay.

After nun, nung umalis na sya at bumalik na sa dating gawi, medyo off.
Parang nasira yung cycle ko, bigla akong nalungkot at nangulila, tina-try kong itago pero nahalata din nya. haha :D

"Uy! Akala ko, ako lang, pati rin pala ikaw"

Sabi nya habang ng vivideo call kami. Sandamakmak na I miss you ang bato ng bawat mensahe.

"Ayan kasi, together together... We feel weird na tuloy."

Wala na, nasira na ang routine, yung feeling ng sepration anxiety ang pinaka mahirap kapag nag LDR ka, kung sa mga kaibigan nga na nakasama mo lang for 3 days sa seminar ay super na ang reaction, pano pa kaya sa taong mahal mo.

Ayun so matagal bago ako nakarecover, ayaw ko ng pumasok, tinatamad akong ituloy ang buhay ko,.

Delikado ito.

Pupunta pa naman sya sa ibang bansa para mag work. Ok lang naman ako dun, pangarap yun eh.

Motto nga namin, Mabuti ng nasubukan kesa magsisi ka sa huli.

Ang dynamic kasi namin medyo kakaiba, parang we support each other pero hindi kami clingy. May sense ba yun? Parang ano, mas gusto namin na natutupad yung gusto mong manyari sa buhay kesa naman you hold each other back.. parang we support without compromising yung gusto mong gawin.

Ang downside nga lang, di kami ano makapag decide to be "together, together"

Pero sa totoo lang, alam namin na hindi pa kami handa, kahit na matagal na kami, alam namin na wala pa kami sa ganung stage to settle down. Time will come, and we will know if hanggang dito nalang or kung gusto naming ituloy sa next level. Pero sa ngayon. Masaya kami at kaya naming mabuhay ng hiwalay pero magkasama. Weird.

Cheers! 


Comments

Popular Posts