Why you should watch Sid and Aya
Ang komplikado kasi ng love. Mas lalong komplikado dahil hindi ito love story. Story lang walang love. Huwag kang mag expect kasi maraming komplikasyon. Pero merong mga bagay na kailangan sumugal ka, kahit di ka sigurado sa outcome. Pwedeng manalo, pwedeng matalo. Kaya nakakatakot.
Ano bang pwedeng isugal sa pag-ibig? "Pag-asa" Mahirap umasa kasi masakit ma disappoint. pero aside dun wala na. Yun lang yun. One sided, unrequited, unfair, and uncertainty lahat yun result nalang ng "pag-taya" mo. Worth it parin ba kahit na alam mo namang talo ka?
Yung movie kasi sinusbukan nyang i-explore yung mga expectation natin. Mula sa characters at sa audience narin. Nilalaro nya yung "hope" kahit na alam nating hindi tama. Umaasa tayo na maayos din ang lahat, umaasa tayo na okay lang kahit na alam nating mali. Kahit na pareho kayong nasasaktan. Maraming ring namamatay kakaasa. Mamatay ng malungkot.
“A black swan is an event that is impossible to predict, but has major consequences for us all.”
"Unusual" set up nila Sid and Aya pero it works for both of them. Typical gago tong si Sid, Gwapo, mayaman, pero tuso at well asshole. Kailangan ni Sid ng kausap. (wink) kasi di sya pinapatulog ng kusensya nya kasi nga tigas ng muka nya eh. Hindi naman nya kailangan si Aya, pero type nya.
Hindi rin kailangan ni Aya si Sid, dahil marami syang pasan mula trabaho, pera, pamilya at sa buhay in general. Pero dahil andian si Sid pwede naring gumaan-gaan. good deal din naman yung offer ni Sid. Walang katalo talo. pwera nalang kung pumasok na ang love. Dun na magkakanda-leche leche!
"Hindi porket nag I love you, love story na"
Yung atake na ginawa ng direktor ang gusto ko sa pilikulang ito at kung pano nya kinuwento yung isang magulong konsepto ng pag-ibig. Kung napanood nyo yung 500 days of summer, medyo same sila ng nanay pero mag-kaiba parin naman, parang ito ay anak sa labas pero alam mong iisa ang nanay nila. Pero hindi yun yung point haha!
Siguro yung bigat ng mga character at kung pano ito dinala ni Dingdong yung pinaka gusto ko dito, ito yung hindi kaya ng mga pa-tweetams love team eh (although iba naman target market nun so no hate PG kasi ito) Yung kung pano mo i-po-portray yung isang karakter na may lalim at alam mong troubled din. Gago din tong Sid na to' eh.
Nagulat din ako kay Anne, kung pano nya dinala si Aya. Iilan lang yung mga artista sa panahon ngayon na kayang mag transfer ng emotion gamit lang yung konting expression at basag ng boses. Ewan ko, nadala ako kay Aya, hindi ko nakita si Anne Curtis dahil nabuo nya si Aya ultimo mannerism at mga galaw at salitang di pilit. Hindi ko pa sya napapanood dati, ngayon palang. Pero syempre meron pa syang Erik Matti Buy Bust na super inaabangan ko.
Gusto ko rin na hindi gaanong spoon feed yung ibang plot, kahit sa isang eksena lang alam mo na yung nangyayari at mangyayari. Magaling yung pagkakasulat, lahat ng character na lumabas may purpose. Meron motivation to drive the story forward, walang tapon na eksena. Lahat may sense. Yun madalas ang wala sa typical Filipino movie, saksak ng saksak pagkadaming daming bagay na hindi kailangan. (Insert Di na muli soundtrack) Simple lang pero effective.
Example nalang, akala ko si Joey Marquez ang nagbigay ng malaking part sa pagkatao ni Sid. Gusto ko rin yung sa bandang resolution nabigyan ka ng closure sa relasyon nila ni Sid sa pamamagitan lang ng ilang sentence. Ganun kagaling ang writer neto! Ayokong mag spoil. Basahin mo nalang ulit ito kapag napanood mo na, dahil sa ngayon di mo magegets itong mga pinagsasabi ko. hahaha!
Medyo dark yung tema neto.Hindi sya all bright and sunny. Yung color tone at lighting. Galing ng pag kaka-execute lalo na yung cinematography. Pero ang pinaka gusto ko eh yung musical score and choice of music. Panalo!
Hindi ako magbibigay ng spoiler kasi gusto ko panoorin nyo sya sa sinehan. Minsan lang ako manood ng Filipino Film na love story, ay wait hindi nga pala ito love story, so hindi ito counted hehe. Medyo relate din ako dito 100%
Dalawa ang ending neto. Mamili nalang kayo yung ano ang mas gusto nyong ending.
Mas ok na ako sa naunang resolution. Yung credits scene ay fan service nalang para sa mga gusto ng lovestory kahit na sinabi ng hindi ito love story.
“Ilang beses ba dapat sumugal para makatagpo ng isang Aya? I did not deserve her, but I had her.”
– Sid
8 out of 10 stars
Okay panoorin mag isa
Hindi sya pang date movie kasi well hindi sya love story, mag-aaway lang kayo.
Di sya pang group movie kasi medyo kailangan mong magisip.
Trailer:
Comments
Post a Comment
Wow thank you for your awesome comment! cheers!