Story of this blog. My life.
https://ello.co/mlui |
Do people change? Did I change?
13 Years, kahit pa konti konti at pasulpot sulpot lang ako nag blo-blog, lahat ng major events sa buhay ko, nakatala dito. Nakakatuwang balikan yung mga sinulat ko, kahit na ano lang mailagay na content keri na! Halatang pinagprapratisan ko maging feature writer gamit ang blog na ito.
13 years old. Wow! Happy 13 years Dwill's Break!
Dahil dun, medyo na enganyo akong magsulat ulit. Siguro mas magiging detalyado na ako sa mga thoughts ko at mas aayusin ko na yung pagkwekwento ko sa mga bagay bagay. Para madaling makarelate yung mga nagbabasa ng secret blog ko.
Secret blog.
Kasi di ko sya pino-promote dahil takot ako. Takot akong malaman nila ang laman ng isip ko.
Dito ko kasi binubuhos yung mga anxiety ko at mga rants ko sa buhay. Pero ngayon ok lang, Sarili kong record ito, Libro ng buhay ko.
This past few months was difficult for me, stress, buhay, pag-ibig, work at pera. It gets lonely.
Full of love. Yan ang masasabi ko sa sarili ko dati. Masaya, care-free at parang walang problema. Entertaining. Pero minsan din mas madami ang downs kesa up.
Malakas akong tao. Yan ang paniniwala ko. Masayahin ako dati, pala biro, natutuwa ako kapag may tumatawa sa jokes ko. Masaya akong magpasaya ng ibang tao.
Pero nagbago na ata.
May mga araw na hindi ko ma contain yung lungkot, mga araw na kailangan peke ang ngiti at magdasal na lilipas rin ang lahat.
Pabigat ng pabigat ang bawar hininga, bawat saglit parang palalim ng palalim ang lungkot na nararamdaman.
Bakit ganito?
Hindi naman ako ganito dati.
Di nyo naitatanong, mag dadalawang buwan na kaming hindi nag uusap ng nobya ko. Medyo masakit sa akin na hindi kami nag-kaayos at lumipad na sya papuntang ibang bansa.
Ito na siguro ang pinaka mahirap na parte sa buhay ko ngayon. Kung pano ako magsisimulang muli. Lalo na kung yung puso ko eh nakagapos parin sa pagmamahal ko sa kanya.
Korni na noh? Pero ang hirap pala mag mahal ng taong di na mahal. Hirap ding umasa na sana kayo parin. Yung alala nyo, yung buhay na ginawa nyo, yung mundo kung saan kayo ang bida bigla nalang... wala na.
Meron akong anxiety, matagal narin ito, dahil siguro sa line of work ko, hindi madali ang makalimot lalo na kung madalas ka sa mga disaster stricken areas ka madalas. Hindi lilipas ang isang taon na walang major na ganap sa Pilipinas.
Siguro, it took a toll on me narin. Naapektuhan na ako one way or another... di ko alam.. hindi pa ako nagpapacheck up kasi, sayang sa pera.
Mula ng mamatay si Mama, medron narin akong attachment issue? Siguro isa sa dahilan yun kaya ayokong nagiging close sa ibang tao, kasi pag nawala sila, nahihirapan akong mag adjust ulit.
Sa ngayon, I still manage naman, pero unti unti naring lumakas ang mga bulong sa isip ko, mga hindi magagandang.... basta!
Ayoko nalang pansinin. Hanggat kaya ko pa.. lalabanan ko ito..
Ayoko din namang sabihin sa iba, kasi sa panahon ngayon, uso yung ganto, baka sabihin, nakikisama ka lang sa trend.
Pero di na ako natatakot mamatay. Masaya na ako at naitala ko dito yung buhay ko. Kahit wala na ako, andito parin sana ito. Basahin nalang ng mga kaibigan, kamag-anak, at mga taong di ko naman kilala.
Siguro, iisipin nila, sayang naman...
Hindi rin. Okay na ako.
Sana makapagsulat parin ako dito.
13 years... sakto na yun.
Maraming salamat sa pagsubaybay sa akin. Maraming salamat sa mga kaibigan ko. Sa Tatay ko, at sa Kuya ko. Mahal na mahal ko po kayo.
Sana maging maayos din ako, gusto ko narin tumawa ng tunay. ngumiti ng totoo.
Gusto ko ulit mabuhay.
Comments
Post a Comment
Wow thank you for your awesome comment! cheers!