Cats make me happy (^^^)(=^___^=)(^^^)

August na!

Homaygulay! Ang bilis ng panahon, sa sobrang bilis di ako makahabol! Hanggang ngayon nag-ca-catch up parin ako sa mga pangyayari.

Hokey pa naman ako, hindi narin ako umiinom ng antidepressants. Tinatabi ko nalang yung pambili ko ng gamot para sa cat food. Haha! Meron ang pet cat. Dalawa sila actually, Binigay ni Justine, classmate ko nung highschool, science class sya, arts kami basta common friends! Tatlo itong pusang ito, si Princess Lea, Han Solo and Luke.
Bagong ligo ready na po ako -Luke Skywalker

Hinihingi ko ay isa lang, si Han kasi sya ang pinakamalaking pusa sa lahat. Pero binigay ni Justine sa akin yung dalawang boys. Okay naman, until daw may magustuhan ako sa kanila.

Syempre natural, gusto ko na silang dalawa! Nakakawala ng stress kasi sila mismo stressful! hahaha! Riot tong dalawang to' Si Luke napaka kulit, gala pa! lumabas ng unit at 2 araw di ko mahanap. Akala ko siopao na yun pala nasa second floor nakitira dun sa kapitbahay na marami ding cats.

Si Han naman, tahimik, nasa sulok, pero malambing sa kanyang little brother. Takrot (takot) sa tao at may anxiety din gaya ko. Mahilig sya sa madidilim na corner, hindi sya lalabas or kakain dun lang sya. Kaya feeling ko si Luke lang ang alaga ko. Sya lang nahahawakan ko, nalalaro ko at madalas ko din mapagalitan kasi nga napaka kulit!

Nung tumagal tagal, nakapag-adjust na silang dalawa, unti unti narin lumalabas sa lungga si Han. Nasusuklay ko narin yung buhok sya. Aba! Dapat lang! Ako nagpapakain sa kanya. Wala syang utang na loob hahaha!

Nung mga isang bwan na silang dalawa, super well adjusted na at madalas mo na silang makita pakalat kalat sa unit. Malaki naman yung unit, kaya nakakatakbo takbo sila. Pero grabe yung amount of furr! Kaya pilit ko silang sinusuklay, para kahit papaano mabawasan yung unwanted fur...

Han Solo. Solo na for reals.
Eh' kaso naglalagas ata sila kasi mainit, ayun! bawat sulok may balahibo! Ang ginawa ko, pinapaliguan ko sila tapos syempre need i-blower dun na ako nagkakasugat sugat sa kalmot. Sa Pagpapaligo, walang problema. Dun naman sa blower session, naku maghahalo ang balat sa tinalupan!

Nung kailangan ko ng lumipat ng bahay, medyo namroblema ako. Kawawa naman itong dalawang pusa. Kailangan, isa sa kanila ay humiwalay na. :(

Ang hirap! huhuhu, ayoko ng goodbyes, napamahal na sa akin si Luke, sya favorite ko kasi nga close na kami nung Day 01 palang. Si Han naman, kahit nna takrot, eh, malambing din naman kung trip nya, hindi makulit, reserve spirit at parang laging pagod haha kagaya ko.

Kailangan ko na mamili, at di ako maka decide. Tinawagan ko si Mark, yung kaibigan ko since highschool... Sabi ko kung gusto nya ng pusa, paki alaga sana at bahala na sya kung sino sa dalawa yung may feel nya na may connection sila hehe. Ayaw ko mag decide.

Pinili ni Mark si Luke. Okay lang, di ka mahihirapan mag-alaga. Nakapag adjust narin kasi si Han a akin. Kawa anamn sya kung panibagong adjustment na naman.


Bakit ko ito kinukwento?

Siguro may natutunan din ako sa experience na ito. Minsan, kahit mahal mo, darating yung point na kailangan mong mamili para sa ikakabuti mo. Good or Bad, may mga desisyon sa buhay na kailangan gawin dahil yun ang binigay na sitwasyon.

Pwede ko naman sila ikeep, pero mahirap para sa akin nalang silang dalawa sila sa maliit na bahay. The situation dictates na kailangan talaga. Buti nalang pumayag si Mark. Kaibigan din nya si Justine, mahilig din sya sa animals hehe. Alam kong nasa mabuting kamay kung sino man ang pipiliin nya.

Kinuha sya si Luke, napakaharot kasi. Takot sa ibang tao si Han kaya di sya lumapit kay Mark. hehe

Mamimiss kita Luke! Salamat sa mga araw na pinapasaya mo ako. Kay Han naman, salamat at pinili mong mag stay. haha ngayon mas makulit ka pa kay Luke, gusto mo lagi super pet sessions, groom sessions at kain sessions! Super spoiled na sya at siguro naramdaman nya na ang attention ko eh nasa kanya lang. He can eat all the treats he wants. He can get all the kamot sa noo na walang kaagaw.

At lalo syang tumataba at lumalaki.







Comments

Popular Posts