To my Lolo
Hindi kami talaga close ng Lolo ko. Sya yung tipong hindi niyakap ang mga anak at apo nya, masungit at nakakatakot. Bata palang ako, ganun na pagkaka-kilala ko sa kanya. Siguro kasi malayo loob nya sa amin dahil di naman sila in good terms ng tatay ko, rebelde kasi yun at naumay na siguro sya sa kunsimisyon sa panganay nyang anak.
Pero habang tumatanda ako, naiintindihan ko sya. Hindi madali ang mga naging diskarte nya sa buhay pero ano pa ba, andian na eh. Nahihiya ako sa kanya. Di ko sya alam kausapin, pero tuwang tuwa sya kapag nagpapakilala ako ng nobya ko sa kanya. Nabubuhayan sya ng dugo pag nakaka kita sya ng maganda. Pilyo kasi yun. Nasa Thailand ako noon, nabalitaan kong hindi na maayos ang lagay nya. Naawa ako sa kanya, ayaw nya pa-ospital pero kailangan, 98 na sya at konting sakit sobrang lala na ng tama. Ito na ang end game nya. Hindi narin masama. Swerte narin sya at umabot sya ng ganun katagal. Bonus nalang talaga kung umabot sya ng 100.
Narealize ko tuloy, anong legacy ang pwede naming magawa para sa kanya. Araw araw meron tayong kanya kanyang hamon kailangan harapin pero yung pag-alala sa mga mahal natin sa buhay parang after thought nalang sa sobrang bilis ng usad ng panahon. Madaming panghihinayang, pagkakamali at mga sana na di na din natupad. May kwenta pa ba kung susubukan mong buhayin sila sa iyong alala at mga tradisyong mag-uugat sa kanilang pagkawala.
Kapag nabisata ako sa Probinsya, malaki ang kulang. Wala na si Lolo sa bahay. Nakakapinabago pala.
Kung meron man akong mesahe sa lolo ko siguro sasabihin ko lang na wag syang mag-alala. Susubukan naming maging maayos parin ang pamilyang sinimulan mong ibuo. Kaming mga Apo mo ang tataguyod ng iyong pangalan. Ikaw ang OG, ang matatag na puno ng bawat saling lahi namin. Pahinga ka na. Kami na bahala. Mahal ka namin.
Comments
Post a Comment
Wow thank you for your awesome comment! cheers!