Diary ng Panget: Okay na sana movie of the year




Okay na sana.

Nakahood na ako, blended sa sweet office couple na dapat si Cap A. ang papanuorin pero di na umabot kasi last full show na.

Sige na nga, panoorin na natin. Nataranta pa kami nung di namin mahanap ng cinema 11 na nasa dulo pala ng SM North Edsa. Asar!
(Bakit ba kami nanghihinayang sa 10mins na di namin nasimulan..Ewan)

Chemestry ng dalawang to. Tindi. :)
Okay na sana...

Maganda ang pwesto namin, malamig, sakto ang hood ko, di ako mukang tanga, dahil tinatago ko muka ko, dahil bihira ako manood ng romantic comedy na tagalog na walang ka date. Third wheel pa ako.
Sige na nga enjoyin ko nalang.

Sa unang sargo, kahit late, na gets ko naman ang nagyari agad, nakakatawa yung mga reaction ng audience, may natili, may natawa, at ako na walang ginawa kundi mag "tsk"

Okay na sana, kasi

eye candy ba?
Napaka komportable ng cast sa screen, eye candy, kahit na medyo babad, sarap nila tignan.
pero medyo halatang over exposed ang topless scene ng protagonist na lalaki, pero nakaktuwa din kasi yung reaction nung protagonist na babae, so parang balance lang.

Magaling yung cast. fresh face sa big screen, sana mas madaming ganitong klaseng casting, para hindi naman sila john lloyd and the gang ang nakikita ko.

Pero ang sama ng pagkakagawa, okay na sya sa first half, na-establish na yung world, yung feel at yung pagka out of place ng bidang si "Eya" isang pangit (di rin namin pangit, meron lang syang acne problem) sablay lang sa production at sa quality na parang ano ba yun? Akalain mong na produce iyan ng ganyan. Cinematography ang sagwa lalo na nung sa "masquerade ball" scene, nahilo lang ako, parang nanood ako ng wowowee ganun kasama ang camera handling, pati yung hindi naman kailangang flashbacks at yung montage, kulang din sa flow yung kwento, hindi smooth yung transition ng eksena to the next. Tapos pagdating sa gitna hanggang last... wala na ito.

Sayang yung opportunity to create a film that would tap the teenie bopper market na hindi parang hold up. Oo may kilig factor, ibigay na natin sa cast iyon, pero naman, por dios por santo! sayang ang galing naman kung basura at minadali ang pagkagawa. Anong nangyari sa direktor neto?

sayang talaga.

Oo alam natin ang mangyayari, given na yun eh, pero sana mas inayos naman yung agos ng pilikula patungo dun sa hinahangad na ending.

Minarket nila una ito online, at halatang nagviral ito sa youtube, within a week isang milyon ang trailer views, tapos yung ost ganun din. This translate to one thing.

The teen this days has the power to translate online stats to real revenue.

This would be a wake up call.

Tignan nyo, dadami ang mga ganitong format, taga nyo sa bato, ang diary ng panget ang nagpabago sa laro ng pilikulang pilipino, sana ginawa nilang maayos ito. para di hold up.

In the end, kumita ang film, bravo sa marketing team, kahit na parang rush ang lahat, nung nalaman nilang nag boom sa internet, saka lang nagkaroon ng matinding marketing support at campaign.

At MTV Philippines, salamat sa pag bomba ng OST, di rin halatang sobrang push kayo for DJ Yassie.
Pero fan nya ako, dahil sa buong film sya lang ang nakita kong di pilit ang acting, umiyak at may emotion, parehas sila ni Nadine Lustre.

Kay Candy Pangilinan, ikaw ang nagpa smile sa akin, galing mo talagang magbuhat ng eksena.

Kung may part 2, please lang wag na. Maglabas nalang kayo ng DVD na may maayos na scenes, remastered or something kung trip nyo pang ayusin, pero dahil kumita na kayo, feeling ko di nyo rin to gagawin. Bakit pa nga naman gagastos ang viva sa "success" nilang hold-up.


guillermo ocampo

Comments

Popular Posts