Hopia, Mani, Popcorn At Vics.

NOTE: Post in Filipino. Blogging on a free wifi bus.
Destination Baguio bound to Manila
STOP OVER: TARLAC
Matagal tagal narin akong di naka pag post dito ng pure Filipino post.
Gusto ko kasing sanayin ang sarili ko sa english pero feeling ko kasi mas ma-ju-justify ko tong kwento ko kung tagalog ang gagamitin ko.

 Hopia, mani, popcorn at viiiiiiiiiiics. 

Yan ang sinisigaw ng mga tindero noon na naglalako ng mga paninda sa bus.
Naalala ko noon tuwing pasko, bumabyahe kami madalas para magbakasyon sa mga kamag anak.

 May itlog ng pugo paborito ko yun pag nasa bus-stop na kami yun ang uja kong hinahanap.

Kanina, napansin ko, bawal na ang itlog ng pugo sa byahe.
Makalat daw kasi. Masakit man tangapin pero isa ako sa makalat kumain ng itlog.



Tuwing bumyabahe kami wala pa nung free wifi kaya ang libangan namin noon ay magkwentuhan.

Isang byahe nakasama ko ang kaibigan kong si Kirk. Galing kaming Baguio, papunta sa isang seminar sa Maynila. Nagkwentuhan kami mula sa langam hanggang sa depth of space the sun and the planets ganun kadami ang aming exchage of thoughts, na nasasalita kami buong byahe anim na oras non stop.

 Isa pang instance nung minsasn may naglako ng mani sa amin.
 Ayaw ko ng mani kasi nakaka uhaw lalo na sa byahe.
 Nag tanong si kirk kung magkano.
Sabi ng nagtitinsa ay sampung piso.
Hindi namin feel kay tumanggi kami.
 Etong sira ulong tinderong to. Aba sumansok ng dalawang order ang pinilit ipasa sa amin.
 Sabi ko "hindi po, hindi kami kukuha."

Pinilit nya at nanlisik ang mga mata.
Sabay sabi. Bente isa..

" Pucha ano to hold up?" bulong ko sa aking sarili.
  Sa takot ni Kirk nag bigay sya ng Bente. 

"Sabi mo sampung piso lang to". sa tonong pag-protesta sabay palag at balik ng mani.

Hindi ako bibili.
 Nagtitigan ang mga tao sa bus.
 Naramdaman siguro nila ang tensyon sa hangin.
 Binalik ng tindero ang mani sa akin.
 Sabay sabing "Magbayad ka na."  
Gago to ah. Sabi ko habang nagmumura sa isip ko.
 Binigyan ni kirk ng bente pa.  Sa takot siguro.
Dali daling. Bumaba ang holdaper na tindero ng mani.
 Sumilip ako sa bintana.
 Sinundan ko ng masamang tingin sabay isang matinding pakyu sign habang naandar ang bus.
 Yabang nun...

 Mahilig akong. Bumyahe. Makati nga raw ang mga paa ko. Kalakip ng mga byahe ang fail moments ko sa buhay. Minsan, sa isang bus stop. Nag jingle break muna ako. Pagkatapos magparaos, naramdamn ko ang matinding uhaw. Pag dukot ko sa wallet ko... Pucha wala walet ko.

 Gapatak ang malamig kong pawis.
Nanlambot yung nangagalay kong tuhod...
Balik ako sa banyo.baka nalaglag.

Di ko pa naman ugaling magbayad sa mga cr break sa mga bus stop..
 Bakit ka magbabayad sa sebisyong dapat naman ay provided dahil isa kang byahero?
 Kaya wag na wag kayong magbabayad sa cr ng bus stop.

 Anyhow.
Wala dun yung walet ko.
 Duh..
Pag balik ko sa bus.
 Hawak ng isang tindero ng chicharon yung walet ko.
 Nagpasalamat ako. At bumili ng hangin nyang chicharon...

 Teka. Ngayon ko lang naisip.
 Kung naiwan ko yun sa bus.
Bakit nya hawak.???
 Kupal yun.

 Ngayon. Bago ako bumaba ng bus.
Double check lahat. Focus at di pinapansin ang mga tindero.
At natutulog nalang ako. Pansin ko. Mas tahimik ngayon dahil may wifi sa bus.

 Cheers.

Comments

Post a Comment

Wow thank you for your awesome comment! cheers!

Popular Posts