Work Stuff First Quarter of 2017

Yikes!

Ganun na ba ako ka busy para hindi makapagblog this year!
Medyo sabaw na kasi ako kapag umuuwi sa bahay, pero pramis magiging updated na ito sa lahat ng bagay bagay na gagawin ko from this day on. (yan na naman)

Kamusta! Blog!

Nagbabasa kasi ako ng news ng mabalitaan kong pwede na palang mag cover ng presidential events at ma-accredit bilang "Presidential Press" ang mga bloggers. Pwede kaya ako dun?
May 20k din ang followers ko sa social media, pero dito sa mismong blog ko, five lang ata.
(NEWS LINK HERE)

Anyhow here are my work dump for this quarter :)  Maybe you'll guess where I work now. cheers!



Yup I'm back at the Presidential Communications! To be particular sa Philippine Information Agency.







Medyo hooked din ako sa mobile game na Pokemon Go. 


Plan ko din gumawa ng video blog tungkol sa paglalaro ko nito dati, pero parang wag nalang di ako telegenic. Some other topic nalang siguro.

Aside sa Pokemon Go, nakabili narin ako ng Nintendo after so many years of working at naglalaro na ako ngayon ng mga games na hindi ko nalaro dati, ang problema, paubos or minsan wala na silang ganung copy ng game. Kaya pahirapan sa paghahanap.


Hawak ko ngayon ay social media parin, same sa DTI pero medyo magaan ang trabaho at chill lang, dahil at home ako dito eh, kilala ko ang mga tao, at mababait silang lahat. 



Bakit biglang tagalog ako nagsusulat haha! nakalimutan kong english nga pala ito. Pero dahil buwan ng wika ngayon, kaya okay lang. (humanap ng dahilan haha)

Ayun so I'll keep this blog alive again! 
I'll post more awesome content, medyo may pagkapolitical yung iba, kasi hindi ako makapagrant sa facebook dahil andun ang mga big boss, pero dito pwedeng pwede. 
May mga travel post din as usual, pag di ako tinatamad, baka nga dump lang gawin ko eh.
Reviews narin sa mga bagay bagay para di ako makapagspoil sa Facebook.
Medyo harsh ang social media ngayon pagdating sa ganyan. Unforgiving ika nga.

Shout out nga pala dun sa ex kong hindi naman naging kami. Tangina ka, yung hardrive ko, kinuha mo! andun lahat ng buhay ko at mga ginawa kong project nung college. Kung nasan ka man, usigin ka ng kunsensya mo! (code name nya dito jelly bean search nyo nalang mga post ko tungkol sa kanya)

Yun lang. peace and cheers!

P.S.
More work dump






guillermo ocampo

Comments

Popular Posts