After 10 years

X marks the spot.
A life's boundless treasure awaits.


10 years na pala next year, parang kahapon lang alam ko pa ang amoy ng classroom ko nung highschool.
Parang timang pa ako noon, takot, di ko alam kung anong mangyayari sa akin, galing lang ako sa maliit na school, kakilala ko mula grade 1 hanggang grade 6, pati teacher at mga magulang, tas biglang dito ka na sa malaking national high school.

Sampung taon na ang nakalipas mula nung natapos ako ng highschool.
Hindi ko na enjoy ang high school mas trip ko ang collage, kasi naman, napaka loser ko noon, pero nasa theater arts, akala nga ng karamihan binabae ako dahil napaka lamya ko. Bata parin kasi ang isip ko noon.



Masaya naman ang mga extra curricular ko noon, pero love life ko? Naku po. kulelat. Isipin mo nalang ang batang malaki ang mata, puro pimples (fuck you hormones) at maliit ang boses.

Bigat, kasi lalo na pag talagang nagsisimula ka ng magka gusto sa isang babae, tindi ng pakiramdam tas andian pa yung developing sexual urges na wala kang karamay kundi ang kamay.

Pero salamat dahil una kong minahal ang entablado, ang pag pilit arte kahit 3 lang kaming lalake at lahat puro girls. Dito din ako nagkaroon ng pagkakataon na maging isang aktibong kabataan pagdating sa larangan News and information tas lumaon napunta na sa media.

Hindi lahat naging kaibigan ko nung college na, madaming nag kanya kanya na muna sa kanilang mga buhay, ang dating mag-be-bestfriends noon madalang na magkita, mas lalo na ngayong may mga tinatahak na career sa buhay.

Siguro dahil narin sa Social media, hindi na masyadong eventful ang reunion, parang meh, alam ko naman  ang nagyayari sayo eh, (yun eh kung hindi ka off the grid) sa bilis ng takbo ng panahon, sa sobrang daming paraan para malaman natin ang takbo ng buhay ng isat isa, meron kayang silbi ang reunion reunion na yan?

Hindi ko pa alam ang sagot. Dahil next year meron kaming balak na reunion/ exhibit kasi February ay arts month. Napanaginipan ko na gumagawa daw ako ng documentary tungkol sa Special Program of the Arts.

Pwede siguro, tamang tama yun pang hatak ng mga gustong sumama sa reunion, upload sa youtube at mag reminisce.

Meron kasi tayong perception sa isang tao, nakasama ko sila buong buhay mo ng highschool, sa tingin natin, kilala na natin sila, pero nagbabago ang ugali, pananaw at pamantayan ng isang tao habang dumadaan ang taon, ito siguro yung hindi kayang mahagip ng internet, hindi nya kayang ibigay sayo ang tunay sa estado ng pagkatao ng dati mong kaibigan, kailangan mo syang maka-kwentuhan at saka mo lang masasabi na nagbago ka na, dati ganito ka. Pero may mga bagay parin na pareho at masayang isipin na sa nakalipas na 10taon, na-a-alala nyo parin ang isat isa. kahit na pwede mo naman syang ipoke sa facebook.




guillermo ocampo

Comments

Popular Posts