First Road Part 1





Mabuhay ang bagong kasal!!!

Medyo excited na ako sa bagong kabanatang haharapin ko bilang padre de pamilya.

"Parang kahapon lang pangarap natin tong bahay na ito" bulong sakin ni Marife sa akin habang naka-upo sa balkonahe ng bagong biling bahay.

Bagong kasal lang kami ni Marife, Isa syang guro, ako naman busy sa pag-mamanage ng maliit kong production house.

Sanay na akong mag-cover ng kasal, pagkatapos ma-meet ang deadline happy ending na sa akin. Ni minsan hindi nawari sa isip kong magpapakasal din ako... Ngayon, eto na, naglilipat na kami sa bago naming tahanan.

"Oh!, dahan dahan sa mga equiptments di kailangan magmadali"

"Boss Han, san ko lalagay tong mga camera" sabi ng isang kargador

"Itabi mo nalang sa first floor, ako na mag-aayos mamaya, salamat dre"

Ako nga pala si Han Salvador, Di ko naman masasabing sikat ako pagdating sa field ng wedding coverage pero isa akong frustrated film director.

Ang kwento ko eh hindi tungkol sa buhay naming mag asawa, kundi sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa aming bagong tinitirhan.



Pano nga ba kami napadpad dito sa bahay na to, Meron akong isang kaibigang real estate agent, nagkasama kami noon sa dati kong trabaho sa isang real estate firm, ang pangalan nya ay Roman, Eksperto sya sa mga house hunting, natipuhan ko agad tong bahay na to sa presyo palang, swak na swak sa budget ko, lahat ng savings ko, binuhus ko dito sa investment na to.

Napakamura nya para sa isang malaking bahay, meron syang tatlong palapag, yari sa pine ang sahig at dingding, may tsimineya, malawak na bakuran, may attic, 3 kwarto sa ikalawang palapag, malawak na dining area,sa unang palapag, magandang living room, mga natirang muwebles na vintage ang itsura, ano pa ba... maraming puno sa paligid, hindi magkakalapit ang mga kapitbahay pero parang kasing edad din nya yung mga katabing bahay.

Saktong sakto ito. Kaya naman pinili ko balak kong gawing studio-slash-work stations ang isang bahagi unang palapag.

Siguro inabot kami ng isang linggo para matapos ang pag ayos, paglilinis at paghahakot ng gamit.
Ayos naman ang kina hantungan.

Siguro masyado kaming busy sa pag-aayos at dala narin ng pagod na minsan may mga nawawalang mga susi, mga box, at minsan random na mga gamit pero nahahanap din naman.

Nung nakaraang linggo nung patapos na kami sa pagaayos, nagtitimpla ako ng kape, habang inaayos ko ang coffee maker, tandang tanda ko nilapag ko yung kutsarita sa right side ko, inabot ko yung tasa sa pamingganan sa left side ko, yung kutsarita ay nasa left side na ng lamesa...

Baka puyat lang ako.

Madalas din tuwing gabi, meron akong naririnig na parang jolens na gumugulong sa sahig, yung parang tunog sa kahoy pag ginulong mo yung jolens. ganun.

Pero dahil pagod nga di ko na gaanong binagyang pansin.

Ang pinaka wierd pa na nangyari eh yung banyo sa masters bedroom, yung tubig sobrang lamig, parang yelo may bagong centralized heater naman kami sa buong bahay, baka nga di dumadaloy yung init dun, pero nung tinawag ko yung plumbing na nag set up, wala naman daw syang makitang diperensya sa mga tubo.


Magpopost pa ako ng ibang update sa mga susunod na araw, pasensya na sa wrong spelling, medyo wala ng time mag edit. Ngayong weekend magkakaroon kami ng get together slash house warming party dito sa bahay, at officially bubuksan ko na ang bago naming production house. Kaya medyo busy baka Lunes na ako mag popost ulit


Comments

Popular Posts