Maligayang Bati!


Para sa aking minamahal.

Marahil higit pa sa ngiti, yung pakiramdam ko tuwing kapiling ka, ewan ko dahil siguro weird tayong dalawa.

Maligayang bati! Ano ba ang tagalog ng belated?

Lame ang Kaarawan



Sabi mo sa akin, ayaw mo ng birthday, kasi wala pang stand-out na birthday na nangyari sayo, hindi ka natutuwa pag may mga bisita ka, kasi di mo nga naman sila kilala, minsan sa sobrang busy, ikaw mismo, pinagpapaliban ang araw na itinakda kang mabuhay. Kadalasan, wala kang kaibigang karamay, hindi ka naman loner, umay ka lang siguro na magulang ang laging taga bati...

Ngayong taon, sisiguraduhin kong di mo malilimutan ang iyong Birthday, pusta ko sa dami ng kapalpakang ginawa natin, malaman ito na ang pinaka stand-out sa lahat.

Bakit kasi umuulan?

Simulan natin sa ika-pito ng Agosto...


Dahil sa bagyong Glenda, meron akong isang araw na offset. Dahil Friday naman ang iyong birthday, pwede akong mag leave at bisitahin kita.. hindi advance, hindi belated, saktong araw.

Kaso medyo di gumanda ang pakiramdam ko, medyo pabugso bugso ang agos ng panahon, pero walang sakit sakit ang di kaya ng vitamin c at pine apple juice.

Dumating ako sa lungsod ng Baguio ng alas kwatro ng umaga, napakabilis ng byahe, 4 na oras sa midnight trip, kaso biglang umulan ng matindi, na stuck ako sa waiting shed ng bus station.

Ramdam ko lamig, parang feel ko mag hot choco, balot na balot naman ako kaya keri lang, May payong naman ako pero di ko feel gamitin, kasi feeling ko kahit na magpayong ka mababasa ka parin sa bagsik ng ulan.

Humupa naman sya makalipas ang ilang minuto, kumain ako sa KFC at nagpalipas ng oras kasi walang dyip, pero nung sumabog na ang konting liwanag, naglakad nalang ako.

Ang itinakdang araw 

Nakatulog akong bahagya, nagising ako ng mga alas syete na ata.


Napasarap ang tulog... nag iwan ako sayo ng mesahe...

Surprise Surprise! Andito na ako!

Nagkita narin tayo sa wakas! Makalipas ang ilang buwan na magkalayo. Nakakatawa kasi, pa-simple ka pang hindi mo ako nasulyapan, pero halata naman ang pigil mong ngiti na naka pinta sa iyong mga pisngi.


Kumain tayo ng kumain, lahat ng masasarap tinikman natin, splurge kung splurge,
Yun nga lang bagsak ang katawan ko pag dating ng hapon, nagkasakit ako, natuluyan na.

Salamat sa pag-aalaga, imbes na ito sana ang pinaka masayang araw mo, madami akong plano pero pumalpak na naman ako. Pasensya na.

Pero, masaya parin naman, kahit nakikinig lang tayo ng music at nagpapalitan ng playlist.
Kahit na hindi ko na dala ang usb ng attack of the titan na gustong gusto mong panoorin.
Kahit na pumalpak ang card ko sa pagbabayad ng bill sa resto
Kahit na kailangan mong magreview para sa exam mo this week.


Kaya naman... tadaa!

 Happy Birthday! Love you!


yun lang, napaka walang kwenta. gusto ko pa sana habaan pero hmpf, nag load na ang legend of korra. manonood na ako, bagal kasi ng internet kanina.

cheers!



guillermo ocampo

Comments

  1. ngayon ko lang nabasa to... salamat.. nag enjoy ako sa birthday ko dahil sayo... next year uli! :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Wow thank you for your awesome comment! cheers!

Popular Posts