First Road part 2



Akala namin walang darating na bisita, 6pm kami nagset ng diner, pero 6:30pm na wala paring dumarating.

Walang signal, parang marami atang deadspot sa bahay na to, sinubukan kong lumabas para makasagap ng signal.

Anong problema ng telecom ngayon? yan ang sumagi sa isip ko habang parang timang na naglalakad at nakataas ang kamay.

Bigalang nagkasignal, 2 bars nga lang sakto naman na may tumatawag.



"HAN!" sigaw na pagbati sa akin pagkapindot ko ng answer.

"Naliligaw ata kami, naka tatlong ikot na kami sa first road di namin mahanap ang bahay nyo!" daing ng kaibigan kong si Ren.

Sinubukan kong alamin kung nasan na sila, medyo di rin ako familiar sa lugar na to, nung na figure out ko na, binigay kong ang mga landmarks at sasalubungin ko nalang sila sa kanto, 3 bahay mula sa amin.

Sumakay ako sa motor sa pag-asang masalubong ko sila, Di nagtagal nasulyapan ko ang kanilang sasakyan.

"Pano kayo naligaw eh isang diretso lang ito mula sa bagong daan." ang bungad kong tanong kay Ren habang binababa na ang bintana ng sasakyan

"Alam ko dumaan na kami dito pero wala kaming nakitang bahay na nasa descrption mo, kaya siguro lumagpas kami, umikot na ako sa dulo nyan eh" depensa nya.

Binati ko ang iba pa naming kaibigang nasa sasakyan, Katabi ni Ren ang kanyang nobyang si Ingrid, sa passenger seat naman ay ang kakambal nyang si Ran at isang babaeng di ko maaninag kung sino, hindi nagsasalita baka nobya din nya.

Yung bungad na bahay mula rito, yung kulay green ang bubong at white ang gate, di ka na maliligaw, Wag ka ng liliko ah! Diretso lang! May malaking puno sa tapat nun. maiging pagbinilin ko.

"Okay okay! Hahaha! Sensya na" pabirong sagot ni Ren

Si Ren at si Ran ang lagi kong kasama sa mga raket at booking, hayop pumalo ng shots mapa-video or photography, ang tandem to beat ko pagdating sa mga rush appointments. Mula nung nag venture kami sa negosyong post prod, ni minsan walang reklamo ang dalawang to.

Maagang nagdilim, tapos na kasi ang summer, mas mahaba na ang gabi, September na. Masaya siguro ang pasko namin. Sana pala nagdala ako ng jacket, biglang lumamig habang pabalik sa bahay.

Di lumaon, dumating narin ang ibang mga kaibigan at kakilala, Halos magkakasunod nga, nagkaroon daw ng aksidente sa main road, kaya nagkatraffic.

Walang humpay na tawanan at kwentuhan, at nag tour narin sila sa aking bagong studio, sa editing room, proud na proud naman ako syempre, sinubukan namin ang black magic na camera, pinaglaruan ang phantom copter sa labas, kinabit ang go pro sa noo, at sympre ang sound room, first of it's kind ito sa dito. Meron sa Manila kaso mahal, eto talaga naman haha! quality! hindi regional amateur, okay tama na ang pag-bra-brag.

Di na namin namalayan ang oras, alas tres na pala ng madaling araw, nagpaalam na ang iba naming mga kasama.

Asan sila Ren? Tanong sa akin ni Marife, nagpaalam ba sayo?

Habang unti unting pumapasok sa sistema ko ang alak,

Oo ata, tulog na tayo.

Sabay ngiti at hinabol ko sya papuntang kwarto.


Kaninag umaga, tinitignan ko ang mga kuha namin kagabi, i-u-upload ko sana sa facebook, pero parang di ko mahanap yung isang babaeng kasama nila Ren...

Comments

Popular Posts