First Road Part 3
The gap on the door |
Meron na akong kutob, pero di ko gaanong ine-entertain dahil wala naman akong mapapala.
Pero kaninang umaga na-confirm lahat ng hinala ko.
Habang nasa studio ako at nag eedit ng mga footages, lumapit si Mirafe sa akin nagpaptulong magpalit ng bumbilya sa guest room.
"Pundido na naman, kakabili ko lang nito eh" iritang pahayag ni Marife.
Buti nalang meron akong mga spare na bumbilya sa studio,
Ako na magpapalit. tugon ko kay Marife.
Pagkagka-akyat ko sa ikalawang palapag, medyo ramdam kong may dampi ng hangin sa aking batok, Tinignan ko kung merong nakabukas na bintana, baka pumasog ang hapong-hamog.
Pagkasara ko ng bintana, dumertso na ako sa guest room, na ginawa muna naming stockroom ng mga gamit na hindi pa alam kung saan ilalagay.
Naghanap ako ng bangko para mapagtungtungan, habang kinakabit ko ang bumbilya, unti unting sumasara ang pinto.
"Ay puchang hangin naman to oh!" reklamo ko sa aking sarili.
Medyo akward ang position ko, at hindi ko mahahabol ang pagsara ng pinto, kaya binilisan ko nalang ang pagkabit ng ilaw, pero di parin umabot eh, naunahan ako ng pagsara ng pinto.
Medyo nag adjust pa ang mata ko biglaang dilim, yung bintana dito sa loob ng kwarto ay natakpan ng mga malalaking karton, pero may mga konting liwanag na nakakatakas sa mga awang. Tamang tikim lang, para di ako matumba sa aking pagbaba sa bangko.
Palapit na ako sa may switch ng ilaw nung marning ko ang tunong ng jolens... gumugulong...
Naku may daga! San kaya yung dagang yun?! nakakapagtaka...
Hinanap ko yung tunog, by instinct, nilapit ko ang tenga ko sa kahoy na sahig. Dun ko nasulyapan ang awang sa pinto.
May nakita akong jolen na gumulong, sabay yabog ng paang tila hinabol ang gumugulong na jolen.
Nagulat ako at napa-atras sa aking pwesto mga limang dipa siguro yun mula sa pinto.
Napatitig ako sa door knob.
Unti unti tong umiikot...
pabukas...
dahan... dahan..
Huminto ang puso saglit ng bigla itong bumukas
Anong ginagawa mo sa sahig! Tanong ni Marife.
Wala...sabi ko nalang.
sa tototoo, hindi ko siguro kaya i-explain yung nangyari.
Ayun.
Tinatakot ko lang ang sarili ko.
Sige, saka ko muna ilalagay ang update, may client na dumating mukang magpapagawa ng pre-nup.
Meet ko muna.
Comments
Post a Comment
Wow thank you for your awesome comment! cheers!