Side Trip: San Juan


Better Mornings!

Dati, meh lang ang La Union, dahil isang oras lang mula sa Baguio nasa beach ka na.
Medyo uhaw ako sa dagat. Dahil siguro nasa bundok kami, madalas special ang pag punta namin sa La Union, kung di mga kabarkada, madalas mga relatives. Walang dull moment pag nasa dagat.

Madalas din ng nasulat ko noon dito eh tungkol sa trip ko sa beach.
Kahit walang pera, makabenta lang ng newspaper at mga bottles swak na!

Hindi naman namin kailangan ng magandang resort, mahalaga yung mga kasama mo na game sa ibat ibang trip. Kaya siguro napakalapit ng puso ko sa dagat.

Ngayon, napakadalang ko na makapunta sa dagat, unless may team building sa opisina or long weekend at may mag yaya, pero madalas drawing at hindi natutuloy ang lakad.

Bakit kung kailan tumanda na at may means na, feeling lagi pagod at tinatamad.
Siguro kasi madaming iniisip para mabuhay, complicated kaya, hindi gaya ng pagtitipid ng allowance para makagala.

Kwentuhan sa Beach: The Best

Pero minsan merong mga gem moment, yung biglaang lakad, madalas talaga natutuloy. Kasi spontaneous di na pinagiisipan ang mga bagay na proproblemahin after. Go nalang ng Go!

Nauso narin ngayon yung DIY travel, mga travel tips kung sa ka makakatipid at hindi masyadong dudugo ang bulsa mo sa pagbabakasyon.

Eto ang ang aking DIY sa Baguio-La Union (kung galing ka dito sa Manila)

Bakit Baguio-La union? Di ba pwedeng rekta ka na sa La union?

Pwede naman, pero kasi ako personally, masyado akong nabubugbog sa pagbyahe sa partas pa-launion. Masikip, mabagal na byahe, nakaka-drain masyado.

Baguio kasi merong executive coach, ginhawa sa halagang 750. Tapos mura pa pagkain sa Baguio, pwedeng breakfast ka muna dun at magpalamig.

Dun ka sumakay ng Partas pababa ng La Union, chill na chill.

Pag dating sa La Union, set up ka ng tent malapit sa mga hostel sa beach side. Surivive na gabi mo libre pa!

Surf is life!

Medyo biglaan lang tong byahe na to' Kasama yung mga classmate ko nung highschool, tutal long weekend naman.

Eto ang aking lakad budget and timeline

Friday
Manila to Baguio: 12am Victory Cubao
Fare: Php 450: Arrival: 6am

Saturday
Breakfast 100 

Ikot ikot muna sa Baguio (actually umuwi muna ako sa amin) 

1PM Baguio to La Union
Fare: 90-120 haha nakalimutan ko na. 

2:30PM San Juan La union

Mamalengke ng foods and drinks 500
Set up ng tent sa beach
Party na!

Tulog sa tent
Sunday
Giging ng maaga sa morning swim (mainit ang dagat)

Pwede mag banlaw 20 pesos lang.

Tapos naglaro kami ng beach football, (free)
Nag surf 300 one hour
Lunch sa San Fernando

Akyat ng Baguio by 3pm

Arrived 5pm Uwi tulog then byahe ng 11PM Manila Joy Bus 750

5am Manila na! Relaxs pa ang byahe.
6am nasa QC bahay na ako, Power nap!

8am prepare to go to work

9am Pasok sa Banga! Di naman hagard kasi nabasbasan ka naman ng tubig alat.

Cheers!




Comments

Popular Posts