Ang paglalakbay sa bagong simula
Ayokong pumupunta sa Hospital, naiilang ako.
Mula bata ako, hindi pa ako hohospital at nagpapasalamat naman ako dun.
Unang beses sinubukan kong magpakunsulta, gusto ko mawari kung anong nangyayari sa akin.
Naniniwala akong malakas akong tao, masayahin at madalas bibong makulit. Pero mula nung naghiwalay kami ng aking kasintahan, hindi ko lubos mawari kung anong nararamdaman ko.
Nararamadaman ko na ito noon pa, nung pagkatapos kong ma deploy sa mga kalamidad at crisis ng bansa, Bagyo, Lindol at Gera. Madalas akong ipatapon sa mga conflict areas. Kaya ko naman, bata pa naman ako at matatag.
Unti unti, tuwing bumabalik ako, hindi ko namamalayan na nagbabago na ang ugali ko, tahimik na at napansin kong malayo na loob ko sa tao, mas gusto kong mapag-isa at nauubos na ang energy sa mga bagay na nagpapasaya sa akin dati.
Pero mas matindi itong nangyari sa akin kamakailan, Nagkakaroon na ako ng surge at wave of emotion na hindi ko mapigilan kumalma, nanaginip ako ng masasama at nagigising na sumisigaw. Minsan pa nga nag-mamanifest na sa realidad ko yung mga entity sa panaginip ko.
Sobrang hirap labanan yung parating bulog sa aking isipan, masasama, nakakatakot mga suggestions na hindi kanais nais. Sobrang natatakot na ako sa takbo ng isip ko.
Kulang ang iyak na binuhos ko at ang higpit ng yakap ko sa sarili ko para kumalma lang.
Tama na, ayoko na, tigil na.. yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko habang humahagulgol ako sa iyak.
Tama na, ayoko na, tigil na.. yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko habang humahagulgol ako sa iyak.
Mag-isa lang ako sa bahay, minsan musika ang tagalunod ko sa mga boses na ayaw tumigil.
May mga araw na maiisip kita at yung ginawa mo sa akin, nag rereplay sa utak ko yung nangyari sa Japan yung mga sinabi mong masasakit na hindi kayang lunukin ng isang tao. Sobrang awang awa ako sa sarili ko.
Kaya nung hindi ko na talaga kaya, pumunta na ako sa hospital para humingi ng tulong, natakot pa ako kasi ako, andun na ako sa point na gusto ko na magpakamatay para matigil lang yung sakit.
Nakaka-ilang kasi yung mga kasabay ko eh may tama na talaga, pakiramdam ko baliw narin ako. Kinausap ako ng Doctor, madami syang tanong naiirita ako pero sinagot ko nalang.
Binigyan ako ng gamot, at kailangan ko bumalik kada Friday, napapagalitan ako kapag hindi ako nakakapunta hehe, pinagtyagaan ko, sinabi ko lahat ng hinanakit ko lahat ng nararamdaman ko. Naging kada two weeks nalang, hanggang ngayon once a month nalang ang pag punta ko.
Gusto ko na gumaling, ayoko na yung gamot kasi mabigat sa ulo, hikab ako ng hikab at parati feeling ko pagod ako.
Sobrang bumaba yung timbang ko kasi wala na akong gana kumain. Gusto ko nalang matulog.
Pero kahit sa pagtulog, dinadalaw parin ako ng mga masasamang panaginip. Hindi ako nakakapag-pahinga ng husto... Pagod na pagod na ako.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa to kailangan pag-daanan. Malalampasan ko pa kaya?
Sa ngayon hindi ko pa alam. Sinusubukan ko naman mabuhay, araw araw. Pinipilit ko maging okay. Sana mabalik pa yung dating ako. Miss ko na yung sarili ko.
Medyo feeling ko ngayon na stuck na ako. Wala ng progress yung buhay ko, siguro dahil wala na akong long term goal.
Nung bata ako, sabi ko 30 years old magaasawa na ako. Na enjoy ko na yung pagiging single.. Susubukan ko na magkapamilya. Pero ngayon, tang ina ayoko na!
Malapit na ang kaarawan ko, isang buwan nalang birthday ko na. 30 years old.
Okay na ako sa edad na yun. 30 years sa mundong ito, not bad. :)
cheers!
cheers!
Comments
Post a Comment
Wow thank you for your awesome comment! cheers!