Walang kwentang review: Exes Baggage


Noong mga panahaon na ako ay isang tween at walang social media. Tuwing sabado ng hapon sikat na sikat ang mga teen oriented show. Isa na dian yung Gimik para sa mga ate at kuya ko at yung ka batch ko naman yung G-mik. Dalawa lang yan Team Camille Prats o Team Angelica. Syempre Team Agelica ako habang yung mga kalaro ko Team Camille dahil sa Princess Sarah.

Kahapon, ayoko pang umuwi kaya dumiretso ako sa Mall nung napansin kong showing na pala yung Exes Baggage, 26 nga pala ngayon. Naghanap ako ng pwedeng matawag, pero dahil biglaan wala akong maayang kasamang manood. 

Ang loser ko naman kung manonood ako mag isa. 

Pero iniisip ko, "maraming tao manonood sa mga susunod na araw, ngayon nalang."

Wala namang may kakilala sa akin dito, ano naman ngayon kong manonood ako mag isa. 
Medyo narealize ko na ngayon lang ulit ako manonood ng movie mag isa. Nasanay kasi akong lagi syang kasama. Tang ina. Game! 

Medyo puno yung sinehan, nakakapagtaka kasi hindi naman weekend. Ganun kalakas ang hatak ng mag ex na ito!

Medyo ok naman yung simula, nakakatawa at magaan. Hindi linear kaya kailangan mong mag pay attention sa eksena para magamay mo yung nangyayari.

Umiyak ako, pero dahil mag isa ko lang, nahihiya akong magpunas ng luha,
Di naman nila nakikita, pero syempre pag nagpunas ka, malalaman ng katabi ko na naiyak ako.

Kaya, hinayaan ko syang tumulo.. para manly tears

Maganda, natural na natural, siguro dahil meron silang history.
Sa pagkakasulat naman, medyo nahirapan lang akong intindihin yung isang supporting character na hindi ko alam kung anong dynamic nila ni Carlo, kasi parang wala naman syang kwentang kaibigan. Tapos parang panong naging sila nung kaibigan din ni Angelica..

Medyo di effective yung dalawa. Parang andun lang sila pero nakulangan ako sa establishment nilang dalawa. Pero okay lang di naman sila ang focus, pero yun nga di sila gaanong nakakatulog sa pagdadala ng eksena.

Perspective eto eh, Hindi mo pwedeng panigan yung isang character versus sa isa kasi maganda yung pagkakalatag nung emotional baggage nila pareho, si ate gurl mo kasi ganto, pero naman si kuya mo naman kasi ganto. So balance, tama lang. Hindi maalat, hindi rin matamis.

May sense ba yung sinabi ko? hahaha

So kung manonood ka, keep an open mind.

Pero it hits right home for me. Tang ina, iba din tama sa akin.

Ayan ang aking spoiler free review. Walang kwenta hahah :)


Comments

Popular Posts