Sana Maulit Muli 20th Anniversary


Photo by: https://www.facebook.com/filmrestorationabscbn
Kung gano katindi ang buhos ng ulan hatid ng habagat, ganun din ang tindi ng buhos ng dadamin kagabi sa UP-Film Center sa remastered version of "Sana Maulit Muli"

Di ako umiiyak, umuulan lang kasi sa University of the Feelippines, Feelms Center.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, (dahil muntik ko ng makalimutan) nagkaroon kami ng chance na mapanood ang exclusive screening sa Cine Adarna sa UP Diliman.

Salamat kay Ms. Dinz Garcia ng Flash with a Smile, Sponsored nya kami for the second time! woot!

Kasama ang usual suspect at film buddies ko na sila Tin, Andeng at CJ, Hindi naman ito ang first time namin manood ng mga remastered film, pero andun padin ang excitement na balikan ang mga pilikulang naging part na ng history. Isa na namang iconic film na pinagtatampukan ng tambalang Aga at Lea.



Medyo di ko pa gets ang hype, bakit madaming mas "bata" pa sa akin na todo kilig, ewan ko lang kung buhay na sila noong pinalabas ito sa sinehan noong 1995. Grabe ang reception nila, parang premiere night! Sigawan na may halong kilig. Nakakatuwa naman na isipin na ang mga kabataan ngayon, nakaka-appreciate ng mga lumang pilikula.



Habang inaantay ang mga pangunahing pandangal (naks) nagkaroon ng trivia game. Talagang hindi papa-awat ang fandom nga naman, alam na alam! Mukang ginawa mga assignment. Walang tanong na hindi pinag-agawan.

Ms. Lea Salonga and her Family (photo by Flash with a smile)
Mr. Aga and his Family
Nahiya nga ako ng konti kasi wala akong ka-alam alam sa pilikulang to. Napanood ko na (ata) kaso syempre di ko naman gets kung ano ito noon.

Ngayong medyo nakakarelate ako sa LDR, tignan natin kung may dating padin.

Merong trivia si direk Lamasan, noon daw nung gingagawa nilan ang film na ito, medyo alangan sya sa script kasi parang  hindi nya gusto yung story at feel nya na meron pang mas magandang kwento kung ipagtatambal si Aga at Lea, medyo hindi sya convinced.

Tintanong daw nya ang kanyang producer, ang  sabi okay naman daw yung script.

Sinubukan nya kay Lea at Aga, kung di okay sa kanila, rewrite. Eh sabi daw ni Ms. Lea "awesome" at sabi ni Aga "Ayos Let's do this!" so wala syang magagawa. Gora na!

So ayun, days before sila umalis papuntang San Fransisco para mag shoot. Wala syang gaanong idea kung ano aabutan nila dun. Kaya naman parang ang lahat ay sort of work in progress even sa shoot mismo. 5 lang ang crew nya and they only have 7 shooting days.

Inisip ko, ang hirap nun ah! First time daw ito sa kanya, at yung pinagdaanan ng actors and crew nya ay hindi biro.

Sarap balikan, ultimate throwback nga kasi, yung fashion, yung necktie ni Aga, (hehe ang kulay kasi) yung angelic face ni Lea, the Kachupoy hair the bangs. Saya!

Medyo yun nga, dahil siguro sa limited time to shoot, yung mga loopholes, naremedyo nalang sa ibang paraan at dialogue. May mga shot na blured na. Mahirap na gawan ng paraan dahil mas halata sa HD. Meron ding mga scenes na kulang na may abrupt cut. Yung passage of time... hindi na pinansin gaano. Yung pagbabago ng itsura ng characters kasi siguro nga crunch yung shoot.

Yung ibang scenes sa Baguio kinunan. Bilib ako sa continuity director! Mula costume at mga daya sa production design and set habol na habol.

Siguro nakatulong din sa remastered yung pagblend ng kulay. Medyo walang gaanong style na ganun noon eh.  Ngayon mas timplado ang kulay, mas malamig sa mata pag nasa State sila, medyo warm pag Pilipinas. Mas pansin din yung pagtimpla ng cut-aways, pag alis ng film/image noise.

After 20 years, lakas padin ng appeal!

They pulled it off! I know as a director, she wants to do something better pa.,
Pero pansin ko sa remastered version, naayos yung mga shots na shaky, na stabilised na.
Yung mga low light, medyo naayos post prod. Pati music, at ilang foley naayos din.

Bilib ako sa script, ibang klase yung atake ng film.
Akalain mong pag pinanood mo sya. Socially significant parin sya ngayon.
Lalo na sa migration at pagiging "TNT" sa ibang bansa. 1995 pa yun, pero the same stories, the same senario sobrang relevant padin sya.

Sabi nga ni Direk Olivia, ito ang first OFW film ng star cinema.

After ng movie, na gets ko na ang hype. May chemistry sila!
Sobrang lakas na pati ang mga bagong henerasyon ramdam.

Ito yung gusto ko sa mga gantong klaseng films, (ang dami kong gusto noh?) Yung tipong ma-prepreserve mo yung kilig.

Oo, inaamin ko kinilig, tumawa, medyo sumikip ang dibdib at na-inlove sa tambalan nila. Iba eh.

Kinuwento ko sa kasintahan (wow oh) ko, sinabi nya na naging sila daw dati.

Abay ganun naman pala eh. feels

Sarap ng love. Umuulan pa naman.

Meron pa kaya silang movie ulit? After all this years? Sana maulit muli... <3 br="">




Curse you LDR!

Cheers!

(pasensya na sa typo, tamad talaga akong mag edit, bahala ka nalang mag cringe)


guillermo ocampo

Comments

Popular Posts