Written out of the block
Tagal ko ding nakakatig sa blank page na to, iniisip ko kung ano ba isusulat ko, eto na naman ako, nangangarap, umaasa, nanaginip.
Bakit ako nag post ng tagalog? ewan ko, matagal tagal nading di ako nag sulat sa sarili kong lenguwahe, para ma iba lang, di naman ako nagpapaka deep at melo dramatic artsy artsy stuff. Feel ko lang.
Ganito kasi yun,
Nagpapasalamat ako sa magandang nangyayari sa buhay ko ngayon, di ko naman inakala na mapupunta ako sa posisyong ka-rubbing of elbows mo ang mga bigating tao sa gobyerno, may mga perks, fun stuff, at syempre marami akong natutunan sa kanila, medyo naniniwala na nga ako na may pagbabago sa pamamahala ng pilipinas, di naman ito ang pananaw ko dati, isa ako sa 90% ng kabataan na walang masyadong pake sa magulong politika. Basta may makain ako, may pamasahe solve na.
Eh ngayon, kaliwat kanan ang inpormasyong natatanggap ko, samutsaring issues na kailangan mong harapin, para bang pasan mo ang problema ng pangulo pero hindi naman, kakapirangot lang ang nararamdaman ko kumpara sa mga big boss.
Nasasaktan ako sa mga online bashers at bully, parang "anong alam mo?".
Di ko naman sila masisi kasi yun ang nakikita at nararamdaman nila.
Naiinis ako sa mainstream media, kasi parang bakit ganun nalang lagi.
Di ko naman sila masisi dahil galing din ako sa lugar nila, at trabaho nila yun.
Napipikon din ako dun sa mga know how at nag fefeeling kritikong wala namang substance
pero, di ko sila masisi kasi, ganun talaga sila.
Trabaho kong ibahin ang kanilang perception, medyo mahirap yun kasi parang 4 against 1 ang labanan, lugi di ka pa nakakatira.
Mahirap Oo, lalo na sa lagay kong newbie palang sa ganitong set-up.
Napa-isip tuloy ako, ano pa kayang magagawa ko?
Tindi ng impluwensya ng social media, pati narin ang internet, pero kung tutuusin, hindi naman ito ang batayan ng salaoobin ng taong bayan kasi iilang mamayan lang ang laging may access sa internet, di naman lahat, at kung ako tatanungin mo, pag nagbukas ako ng facebook, wala akong pake kung ano ginagawa ng gobyero dahil hindi naman kumokonek sa akin yan.
Pano kaya yun?
Pano ako kokonekta sayo, kung wala kang pake.
Siguro, malalim pa bago ko lubusang maintindihan ito, lumang problema na to, may solusyon dyan sa tabi tabi pero hirap din kasi magsimula lalo na kung kaharap mo eh isang malaking blankong papel, parang ako kanina, di ko lam kung ano gagawin ko.
Ngayon gagawin ko lahat ng makakaya ko para makatulong.
Pagbubutihin ko ang aking trabaho, kahit di naman ito madalas nararamdaman at nakikita.
Sa araw araw na pinagkakatiwalaan ako sa aking ginagawa, gagawin ko ng taos puso, dahil naniniwala ako sa pagbabago.
May pagasa pa naman.
Pag wala na, ako mismo gagawa ng pag asa.
Cheers!
eafafasfasfasfas
ReplyDelete