Gimo' guide to college survival 5

Gimo's Guide to College Life
Lesson 3
-Classmates and Groupmates-

Background of the Study:

Ating himayin at i-classify ang mga uri ng classmates at groupmates.
Sa mundo ng college, di gaya ng hayskul, may malaking pagkakaiba ang mga classmates at groupmates

1. ang classmates ay mga kasama mo sa classroom, pero hindi nagagahulugan na kilala mo sila personaly, lalo na kunbg international ka, pero kahit block section, minsan katabi mo lang ang kilala mo...


2. ang group mates ang kung baga kilala mo among the crowd, sila lang ang kailangan mong kahalobilo, hindi ang iba. ibig sabihin wala kang pakialam sa iba period.


-=-=-=-=-
ANG LEADER
sa isang grupo, lagi nalang may tumatayong leader, ewan ko ba kung bakit, pero laging meron eh, sya yung unang isusulat na pangalan sa papel.
Mga karektristik ng lider.
medyo at first e-seset na nya yung kanya authority, mag sasalita sya ng mga kabalbalan nya idea, parang i-prereside nya yung parang group meeting.
hindi ko naman sinasabing sila ang mga hari ng ka-epalan sa mundo, pero natural na sa kanila ang mamuno at mangurakot, nasa dugo lang ya, kaya wala tayong magagawa.
ANG SIDE KICK
ito yung parang kuntento na dahil nalunod sya sa laway ng leader, sya yung laging second the motion/mention.
at nagbibigay ng input, pareho silang mga magagandang asset sa grupo, kasi napapangatawanan nila ang kanilang mga respetadong posisyon, pero kung tutuusin, wala namang nag appoint sa knila ewan ko ba kung bakit sila nagmamagaling, basta pinapahirapan lang nila ang kanilang mga sarili.
inuulit ko, sila ang makakatulong sa inyong grupo, huwag silang papaslangin.
Sila yung matatalino, pero tandaan! ikaw yung may alam, sila talino, ikaw alam. mas matimbang ang alam keysa sa talino.
Anyways NEXT!
ANG SEKRETARYA
sila yung mga konento na maglabas ng papel, ballpen, at mag sulat ng pangalan, at pagsusulat ng idea ng mga ko-groupmates/classmates nya.
Kadalasan, sa sobrang busy nila sa pagsusulat, hindi sila nakapagbibigay ng input, maganda naman ang sulat nila, legible naman kahit papaano. sila yung mga future writers papasa na sa mga pinoy poket books.
di rin sila nagbibigay ng input, puro
"oo"
"yeah"
"sya nga"
"talaga"
"sige sige"
"maganda ya"
"pwede"
pansinin nyo, magugulat ka.
MGA MYEMBRO AT CLASSMATES
ito mahirap na classification to, kasi sobrang dami nilang uri, susubukan nating kilalanin sila isa isa.
CRUSH at Apple of the EYE
ito ang classmate na gagawin mo ang lahat maka-grupo mo lang sya.
gustong gusto mo pag choose your groupmates, o kaya pag count off, banas na banas ka, makikipag palit ka ng numero sa katabi mo, o kaya lilipat ka ng upuan para sumakto sa bilang.
kung bobo ka sa math, minsan tsumatsamba at nakakalipat ka sa tamang upuan, minsan, talagang mag sisinungaling ka nalang at kunyari number 1 ka kahit number 10 ka talaga, magugulat yung tabi mo dahil parehas kayo ng numero. pake nya.
SILENT TYPE
sila yung di man lang magtapon ng laway, at ayaw magsalita sa brainstorming, may trauma sa bagyo, bilang ganti sa tahimik na ugok sya ang ilalagay natin sa hot stand at magrereport.
HUWAG NYONG GAGAWIN TO!
bagsak ang grado nyo.
MADADA
sila yung maiingay, hagalpak ang tawa, at sobrang active, pero ang pinagsasabi ay out of this world at walang konek sa topic, pero masaya kasama, yun nga lang di kayo matatapos sa inyong gawain, at mapapagalitan pa kyo ng guro dahil hindi kayo manahimik at sobrang nakakairita kayo.
Huwag nyo din syang pagrereportin, dahil matatapos ang time limit, intorduction palang sya.
SULYAP BOY
ito yung mga taong di sumakto sa count off, at yung mga taong napagiwanan at di tsumamba sa gustong grupo, hayaan nyo lang sya, pag pinansin mo to, sapak ang aabutin mo, mag inat.
I HAVE AN IDEA
sila yung puro idea, alam mo yun, yung ang gaganda ng ideya pero pagdating sa output walang magawa, aasa lang to sa bibig nyang masarap lagyan ng istapler ang makakapal na labi. ASAR
Basta, puro ideya, magaganda naman yung iba, kaya dapat sya ang subaybayan at patnubayan, pag sumobra baka i suggest nya na gumawa na kayo ng rocket ship at lumipad sa buwan.
IDLE slave
sila yung mga nagaantay ng orders from above the chain,
magagaling silang gumawa ng output pero zero sa input.
kadalasan nag aantay lang sila ng utos
yun lang
antayan ng antayan hanggang walang natapos kakaantay.
dapat silang pagananhin, gamitin lahat ng kanilang kaalaman, at dapat lang na silay mauutusan, huwag kang mahiya, masaya silang mautusan.
*dapat marunong kang mag-basa ng mga ganitong tao, dahil pag ang inutusan mo eh ang feeling nya leader sya, patay ka, away yan ao kaya gulo.
BANKERONG BANKers
Sila yung di magpapakita sa mga group meetings, di nagagawa ng group work, di na mg rereaserch.
basta mag babayad lang sila ayus na yun
ang linya nila
"magnakno babayaran?"
sila na yun, abusuhin mo na, huwag ka ng pakipot at magpaka-keme-huwag-nalang-ahh-siguro.
dapat 500!
LIMANG DAAN PARE!
pag nagbayad yun, paparty ka na!
AYUN!
saan ka sa mga toh?
good luck sa college mo.
addtional notes

Comments

Popular Posts