Message Sent 001


Sabi ng therapist ko, kapag naiisip kita, try ko lang isulat yung nasa loob ko. Kumbaga release lang, kesa naman tinatago ko lang. Kaya siguro series na ito ng mga unsent messages sayo.

Message Sent 001

Kamusta ka na?

Nakita ko yung recent photo mo, ngayon ko lang ulit nakita yung ngiti mong ganun.
Di mo na natatanong, ganung ganun yung ngiti mo sa akin noon. Kung sino man ang nagpapangiti sayo ngayon,  Masaya akong masaya ka.

Hindi ko naman sinasadyang makita yun, pano ba naman, nung nakaraang weekend. Bumisita magulang mo sa akin. Niyaya nila akong kumain sa labas kasama sila Ate mo. Awkward sobra pero di naman nila pinaramdam na iba ako. Di naman ako nailang. Okay lang.

Napakabait ng mga magulang mo, super. Miss ka narin nila, di ka na daw gaanong nag paparamdam. Tinanong din nila ang kalagayan ko, kung kamusta ang therapy at mga gamot ko. Nag offer pa nga si mama mo na tumulong sa expenses ko sa therapy, sabi ko wag na tutal libre naman sa BGH.



Minsan ka nalang daw mag padala ng update, mukang you shut everyone off narin. Ganun ka kasi, to avoid the feeling na nalulungkot ka, you create this anti-social shell. Pero di ko naman inasahan na pati sa parents mo.

Nalungkot ako nung nalaman ko yun, kasalanan ko yata. Masyadong naging mabigat yung paghihiwalay natin na lahat ng nag-hohold back sayo dito sa Pilipinas, hanggat maari, ayaw mo ng interaction.

Aalis narin ako sa apartment mo, tapusin ko lang ang pasko. Masyadong maraming memories dun sa bahay na yun na nakadikit sa'yo. Sabi ng mama ko kukunin nalang nya yung mga gamit mo. Sabi ko hindi na. Wag na. Di naman nakakasagabal.

Okay na pakiramdam ko, medyo tinotopak lang ako minsan. Kapag nararamdaman ko yun, kinukuha ko agad yung ukelele, nag try akong tumugtog. Nakakarelax kasi super nakaka-pre-occupied ng utak. Isang kanta palang pinag aaralan ko, pero kapag sinasabayan ko na ng kanta, nawawala ako sa rhythm. Dun ko nalang binubuhos yung emotion ko, kahit wala sa tono. hehe

Mababasa mo ba ito? Hayaan mo pag nagkita tayo malay mo magaling na ako. Kakantahan kita.

Nahanap ko pala yung photo sa yan sa google drive. Nagulat lang ako sa lusog ko. Napaka useful ng hoodie na yan noh? Gamit gamit mo parin.

Autum na dian, napakaganda dian sa lugar mo. Naalala mo nung pumunta ako dian. Tinanong kita kung ano ang long term goals mo. Sabi mo, dian ka na magsisimula ng bagong buhay. Gusto mong ma involve sa community, at dian na lumago. Sa totoo lang, nung sinabi mo yun para akong sasabog. Kasi alam kong wala na ako sa plano mo. Pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit.

Susubukan ko din yun, mag simula ulit. Sana kayanin ko gaya mo. Sana meron naring kukuha ng larawan ko at ngingiti kung pano ako ngumiti nung tayo pa.

Message not sent 001



Comments

Popular Posts