Message Sent 003: Hindi parin. (Not Ever)




Magpapasko na, Di parin ba tayo pwede mag usap?

Kahit di mo ako kausapin, halos lahat ng update mo sa buhay alam ko naman, kaliwat-kanan kaya ang nagbibigay ng balita sa akin tungkol sayo. Minsan pinapasabi ko kay Marianne lahat ng gusto ko sabihin sayo. Madalas ako naman yung ka-chat mo hindi sya. hahaha!

Magpapasko na, Nakaka bwisit diba?

Ayoko ng Pasko, di na sya tulad ng dati. Siguro ganun ka din, Nasa Japan ka pa naman, walang kwenta ata pasko dian, parang commercial holiday lang at may snow. Di pa ako nakaka-experience ng snow. Gusto sana kitang puntahan kaso baka itakwil mo ako.



Pwede ka naman siguro mag spend ng Pasko sa mga kasama mong Filipino dian, meron ka na nga palang boyfriend. Di masyadong malungkot. Nakaka-inggit. Kapag sumasagi sa isip ko yun, tang ina, alam ko namang wala ng pag-asa at muka na akong tanga. Pero umaasa parin akong magiging tayo sa huli, ramdam ko eh. Ayaw mawala, kahit na anong gamot inumin ko... Andun nalang siguro yung feeling na yun hindi na mawawala.

Pero wag ka mag-alala, okay na ako. (I think) Inggit nalang siguro yun, kasi nahanap mo na yung taong pwedeng pumawi ng pangungulila mo samantalang ako, hinahanap parin sarili ko.

Kapag naiisip kita, (kahit na ayaw ko na) Ano, parang...kinakabahan ako, nangangamba yung pakiramdam ko. Parang di ako mapakali. Ang gagawin ko nalang kapag nararamdaman ko yun eh dapat gumagalaw ako, may iba akong ginagawa, kasi pag hinayaan ko lang, kapag ine-entertain ko yun, wala.. Iiyak na naman ako at malulungkot.

Matatapos din ito.

Ang sama ng 2018, gusto ko na itong matapos. Pinaka ayaw ko tong taon na ito. Daming nangyari di ko alam kung kakayanin ko pa umabot ng Pasko. Eto na naman ako gusto ko na namang mag resign.

Taon taon nalang lumilipat ako ng trabaho, feeling ko kasi nauubos ang oras ko wala akong napapatunguhan. Ikaw kasi yung madalas mag advice sa akin kung ano magandang gawin. Sayo ako nag susumbong ng mga hinanakit ko sa trabaho. Nasanay akong andian ka pag ganitong conflicted ako. Pero susubukan ko parin, try ko naman na pagkatiwalaan ang sarili ko.

Sa Bagong taon.

Alam mo bang pumunta ako sa UP Baguio kanina, sinubukan kong mag tanong kung pwede akong mag Masteral, kailangan kong gumawa ng position paper. Na-alala naman kita punyeta! Nung ikaw ang kumuha ng Masteral mo. Gusto ko sanang humingi ng tulong sayo. Dahil alam kong alam mo yung mga ganitong diskarte. Kaso naisip ko din na wag nalang. Kaya ko to' mag isa.

Sana sipagin akong kumpletuhin yung requirements. Try kong magbasa basa ng mga pwedeng gawing thesis. Kahit na madalas akong tamad.

Nagkasakit ka daw? Wag mo kasing tipirin sarili mo.
 Hayaan mo maubos pera mo basta sa sarili mo.
Joke ko nga kay Ate mo, kung magtipid ka dian, parang may pinapadalhan kang pamilya dito sa Pinas. hahahaha! Alagaan mo sarili mo ha'. Hayaan mo, inaalagaan ko rin naman sarili ko.

Sana makapag usap na tayo ulit.

Pero hanggat hindi parin. Dito nalang muna.

Message not sent 003

Ang cute mo dito. Bwisit.




Comments

Popular Posts