Message Sent 005: Isolation and Goodbye
Ngayon ko lang na realize na all this time I've been clinging sa thought na you need me.
I understand it na. All this shared experiences that we've been through you handled it better than I did.
You want peace sa sarili mo, find your place in this world make decisions na ikaw lang. Grow as a person. Sana ako din. Hindi ko kasi kayang ibigay sayo yun.
This would be my last letter to you.
I will be strong. I will let you go na. Finally. I can breathe easy.
One of your friend, Elvies told me na kahit loner ka, you know how to handle yourself well.
For the first time, nalinawan ako. Wala ba akong bilib sayo? Kilala kita eh. Bakit di ko naisip yun.
Oo masakit, kapag naiisip natin yung nangyari. Sabi mo pa kay Marianne na "Justice" itong nararmdaman mong kalungkutan dahil sa mga maling desisyon mo sa buhay.
Matagal na kitang pinatawad, at kung kailangan paulit ulit kong gawin yun para patawarin mo narin sarili mo. Gagawin ko. Tigil mo na yung tong isolation na ito. Open up to your mom, talk to your Ate, share your life to others. Wag mong kimkimin lahat. Hope you find that one person na you can trust again and let others try to come in to your life. Mga taong mapagsasabihan mo ng troubles mo.
Okay na ako. Tanggap ko na. Medyo matagal pero di na gaanong masakit. Di na ako umaiiyak habang nagsusulat. Di narin masakit kapag iniisip kita.
Handa na ako mabuhay ulit. Salamat.
Huwag kang mag-alala hindi na ako aasa na magiging tayo pa. Masaya na ako na kahit sa hiram na sandali sa buhay natin, minahal natin ang isat isa. Masaya na ako sa fact na yun. Hindi ko na mababago ang nakaraan, ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay harapin ng buong puso ang bukas. Salamat sa mga masasayang ala-ala. Sa susunod na mag mamahal ako. I'll be better.
Paalam na. Hanggang sa muli nating pagkikita.
Message not sent.
Comments
Post a Comment
Wow thank you for your awesome comment! cheers!