Clebrate to O8

_______________________________________________________
this post is in local dialect Filipino
this is all about my new year celebration with the president of the Philippines.
_______________________________________________________
ang mga susunod na eksena ay naganap noong december 31 2007
medyo deleyed kasi utak ko kaya ngayon lang ako napkapagblog.

meron kasing party ang media sa PIA, para new year celebration. at around 8pm nagsimula, andaming pagkain at masasarap lahat grabeh, eto na darating daw si gloria yung presidente lang naman kasi ng pilipinas yun eh, mahilig syang magbakasyon dito sa baguio pag holiday.

so ayun na edi party to the max with media personnels,

biruin mo.

may raffle. tapos
syempre may premyo!
binunot ni gloria yung nasa fish bowl, and then sabi nya

"guillermo ocampo kabaataan news network PIA"

SYET!
eh paos ako nung mga oras na yun, wala akong boses. kaya nung sinabi ko sa kanya

whaw, tenkyuhh poh.. hapi new year (yung paos na tno at may plema pa ang ngalangala.)
MALAKING BOX na nakabalot sa gift wrapper.

LCD YAN! sabi ng isang boses sa crowd

PC! LAPTOP! sabat ng isa ulit

ako naman masaya naman sobra talagang huurrr brushhh ang puso ko at ngiti ko talagang abot langit.

BUKSAN NA YAN sigaw nanaman nung isang di ko alam kung galing saan ang boses

PAG BUKAS KO

gas stove.


ayun gas stove.

natawa si gloria

aanhin ko ang gastove? may asawa na ba ako? wala.

pero okay lang atleast sikat ako at nakamayan ko si gloria, nakatabi ng almost 3mins. dahil ang tagal kong magbukas ng gift kasi naman sobrang kapal ng tape at masyado kung magbalot yung nagbalot parang ayaw pa buksan.tinulungan pa ako ni gloria na magbukas na gas stove.

pagkatapos nun may parang package na noche buena galing sa PIA

mga 10pm

nagpuputukan na sa kalye, nasa session pa ako katabi ko sila doby de guzman ng abs cbn news habang nagaantay ng live feed sa bandila isang pang 10 gabing news. nakita ko yung sarili ko sa TV nung nagreport sila tungkol sa pagdalaw ni GMA sa media party. haha nagbubukas ako ng gasstove muka akong tanga.

may epal kasing koreano sa tabi ko, tanung ng tanung kung sino yung nagrereport, kung ano sya sa baguio, syet sarap sapakin di kami nagkakaintindihan kasi halatang lasing

syet, mag 12 na ng gabi malapit na mag new year actually 15 mins. left new year na at nasa session pa ako wala akong masakyan puta!

tapos ayun nakasakay ako eksakto pagkatapos ng news. mga 15 mins. new year na nakaratina ako sa bahay ng tito ko kung saan kami mag cecelebrate ng christmas.

ayun nag inay ang ganda ng fire works, nag play ako ng drums ng walang patumangi! talagang todo to the highest level to the max!

pagdating ko pala lasing na yung mga tito ko at pilit ako pinag shoshot pero may allergies ako nakakatakot baka ikamatay ko pa haha.

ayun masaya talaga

ang yaman pala ng pilipino andaming sinusunog na pera. lalo akong nawalan ng boses nung naghihiyaw ako at nagsisigaw ng wow, sa lugar namin kita mo ang fireworks ng mga kapitbhay at ang dami sobra parang disney world sa lahat ng corners.


ayun ang new year ko.

napanood ko pala yung I am legend ni will smith ang lupet sobra! syet talaga
happy new year

Comments

Popular Posts